Ayon kay EU spokesperson Maja Kocijancic, nais ng European External Action Service na makapulong ng Charge d’affaires of the Philippines na si Alan Daniega si Deputy Secretary General Jean-Christophe Belliard.
Ipinapakita ng hakbang ng EU ang pagtutol ng 28-member bloc sa batikos at mura ni Pangulong Duterte.
Matinding binatikos ni Duterte ang EU dahil sa umano’y pakikialam nito sa kampanya laban sa illegal drugs at panawagan na ibalik ang parusang kamatayan.
Tinuligsa rin ng EU ang suhestyon na “health-based solution” sa problema ng Pilipinas sa droga.
Nais aniya ng EU na magtayo ang bansa ng mga clinic kung saan may access pa rin ang mga drug users sa iligal na droga, bagay na itinanggi ng European bloc.