Philippine envoy, ipinatawag ng EU dahil sa hindi katanggap-tanggap na pahayag ni Pangulong Duterte

By Len Montaño March 28, 2017 - 02:19 PM

European-Union-Ipinatawag ng European Union ang Philippine envoy sa Brussels para ipaliwanag ang anila’y hindi katanggap-tanggap na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng banta nito na bitayin ang EU official na kontra sa nais niyang ibalik ang death penalty.

Ayon kay EU spokesperson Maja Kocijancic, nais ng European External Action Service na makapulong ng Charge d’affaires of the Philippines na si Alan Daniega si Deputy Secretary General Jean-Christophe Belliard.

Ipinapakita ng hakbang ng EU ang pagtutol ng 28-member bloc sa batikos at mura ni Pangulong Duterte.

Matinding binatikos ni Duterte ang EU dahil sa umano’y pakikialam nito sa kampanya laban sa illegal drugs at panawagan na ibalik ang parusang kamatayan.

Tinuligsa rin ng EU ang suhestyon na “health-based solution” sa problema ng Pilipinas sa droga.

Nais aniya ng EU na magtayo ang bansa ng mga clinic kung saan may access pa rin ang mga drug users sa iligal na droga, bagay na itinanggi ng European bloc.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.