Bagong silang na babaeng sanggol, nailigtas matapos ilibing ng buhay sa India

By Mariel Cruz March 28, 2017 - 12:42 PM

New Delhi IndiaNailigtas ang isang bagong silang na babaeng sanggol na natagpuan na nakalibing ng buhay sa New Delhi, India.

Nabatid na sinubukang patayin ang sanggol na pinaniniwalaang mahigit limang oras pa lang simula nang isilang ito sa pamamagitan ng paglilibing ng buhay.

Ayon sa mga opisyal, isang indibiduwal na napadaan sa Jajpur District kung saan inilibing ng buhay ang sanggol ang nakapansin sa gumagalaw na paa ng bata.

Agad na itinakbo sa ospital ang bata para maobserbahan.

Ayon naman kay Jajpur district Fanindra Kumar Panigrahi, medical chief officer, maayos na ang kalagayan ng naturang sanggol na isang full term baby at may timbang na 2.5 kilogram.

Binigyan ng pangalan ng mga staff ng ospital ang baby girl na ‘Dharitri’, kung saan ang ibig sabihin ay “The Earth”.

Ililipat naman ang sanggol sa kustodiya ng state-run child welfare committee kapag nakalabas na ito ng ospital.

Sinabi naman ng New Delhi Police na posibleng inabandona ang sanggol dahil sa kasarian nito o hindi kasal ang kanyang ina.

Ngayon ay sinusubukan na hanapin ng pulisya ang magulang ng sanggol.

Malaki aniya ang posibilidad na ito ay isang kaso ng female feticide at malinaw na gustong patayin ng suspek ang bata.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.