Isang ‘unidentified aircraft’, namataan ng Philippine Navy sa Benham Rise

By Mariel Cruz March 28, 2017 - 12:39 PM

Navy-ships2
FILE PHOTO

Namataan ng Philippine Navy ang isang ‘unidentified aircraft’ sa kanilang pagpapatrulya sa Benham Rise.

Bukod dito, may nakita rin na isang barko na walang bandila ng Pilipinas at hindi sumasagot sa radio message.

Pero kalaunan ay nabatid na ang barko ay pagmamay-ari ng mga mangingisda mula sa Zambales.

Ayon sa Philippine Navy, regular na silang magpapatrulya sa Benham Rise at kung kinakailangan ay iinispeksyunin nila ang mga barko na kanilang mamamataan.

Noong March 17, idineploy ang BRP Alcaraz sa Benham Rise para magpatrulya matapos mapaulat ang presensya ng isang Chinese vessel noong nakaraang taon.

Una nang nagbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na sabihan sa maayos na paraan ang mga Chinese vessel na maglalayag sa Benham Rise na pagmamay-ari ito ng Pilipinas.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nirerespeto ng China ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.