CHR, hiniling sa PNP na isapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa EJK
Hinimok ng Commission on Human Rights ang Philippine National Police Internal Affairs Service(PNP-IAS) na ilabas na ang resulta ng imbestigasyon sa mga insidente ng extra judicial killings.
Ayon kay CHR Comissioner Gwendolyn Pimentel-Gana, matagal na umano nila itong hinihingi sa PNP.
Iginiit rin ng CHR na dapat nang ilabas ang imbestigasyon ng PNP upang hindi maghinala ang publiko na may tinatago ang pambansang pulisya.
Una nang sinabi ng CHR na wala pa silang nakakalap na ebidensya na magpapatunay na mayroong nagaganap na state-sponsored killings.
Nakatakda namang ilabas ng CHR ang resulta ng sarili nilang imbestigasyon sa mga insidente ng EJK sa buwan ng Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.