New York Times, nakipagpulong sa DOT ukol sa advertisement ng turismo ng Pilipinas

By Rohanisa Abbas March 28, 2017 - 12:25 PM

DOT Ricky Alegre
FB photo

Isiniwalat ni Department of Tourism (DOT) Assistant Sec. Frederick Alegre na nilapitan ng pahayagang New York Times (NYT) ang ahensya para i-advertise ang Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng kalihim na ito ay bago pa man pumutok ang isyu sa paglalathala ng New York Times ng mga artikulo at documentary ukol sa madugong gyera ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra iligal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Alegre nakipagpulong ang digital team ng NYT para mag-solicit ito ng advertisement ng Pilipinas.

Ngunit bago pa man pag-usapan ang alok ng pahayagan, kinwestyon ni Alegre ang mga storyang inilathala ng NYT na tumutuligsa sa Administrasyong Duterte. Aniya, maraming idinahilan ang digital arm ng NYT, at iginiit na wala silang kontrol sa editorial ng pahayagan.

Hindi naman ito pinaniwalaan ng kalihim, at sinabing posibleng may ibang motibo ito.

Ani Alegre sa NYT, “Please relay to your higher ups that we need to also show the other side of the picture.”

Pinakahuling inilathala ng NYT ang video documentary na nagpapakita ng mga bangkay at mga naulila ng mga suspek ng iligal na droga sa ilalim ng gyera ng gobyerno kontra droga.

Sa loob ng isang linggo, inilathala rin ng NYT ang psychological profile ni Duterte na iniugnay sa pag-angat sa kanyang pag-angat sa kapangyarihan batay sa karahasan, at editorial na nananawagan ng pananagutan sa libo-libong namatay sa ilalim ng kampanya ni Duterte kontra droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.