Ikalawang opisyal ng roro na dinukot ng ASG, nailigtas na ng militar
Nasa kamay na rin ng militar ang ikalawang opisyal ng roro na dinakip ng Abu Sayyaf noong Huwebes.
Ayon kay Major General Carlito Galvez Jr., komander ng Western Mindanao Command (Westmincom), nasagip ng 4th Special Forces Battalion sa si Chief Engineer Laurencio Tiro sa Barangay Basakan sa Muhammad Adjul, Basilan dakong 10:30 kagabi.
Resulta ito ng maigitng na operasyon ng Joint Task Force Basilan sa ilalim ni Colonel Juvymax Uy na kinabibilangan ng 4th Special Forces Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Andrew Bacala. Katuwang din dito ang Barangay Peacekeeping Action Team sa pangunguna ni Muhammad Ajul Mayor Talob Pawaki.
Si Tiro, kasama Captain Aurelio Agac-ac, ay dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Sibago Island.
Nauna nang naisalba ng militar si Agac-ac na nakabalik na sa kanyang tahanan sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.