Ilang senador, bukas sa pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng barangay officials
Sinabi ni Senate President Koko Pimentel na ilang senador ang bukas sa ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga na lang nito ang mga barangay officials sa halip na magkaroon pa ng barangay elections sa darating na Oktubre.
Ito aniya ay base sa kanyang obserbasyon sa pagpupulong ng siyam na senador noong Linggi ng gabi.
Dagdag pa ni Pimentel, kakausapin niya ang pangulo o si Interior Sec. Ismael Sueno ukol sa isyu para linawin kung ano talaga ang mga nais nito.
Gayunman, nilinaw niyang aalamin pa nila kung naayon ba sa Saligang Batas ang nais ni Ginoong Duterte na wala nang barangay election at sa halip ay itatalaga na lang nito ang mga barangay officials.
Banggit pa nito, kung labag ang nais ng punong ehekutibo ay maari namang baguhin ang Saligang Batas.
Hindi naman sinabi ni Pimentel kung sino sa siyam sa 23 incumbent senators ang dumalo sa pulong dahil na rin ang pang-24 na si Sen. Leila De Lima ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.