Sa kanilang anunsyo, magkakaltas ng 25 centavos sa halaga ng kada litro ng diesel ang mga kumpanyang Total, Jetti, Eastern, Petron, Unioil, PTT, Total, Phoenix, at Shell simula alas-6:00 ng umaga, habang nauna nang magpatupad ang SeaOil at Flying V kaninang 12:01 ng hatinggabi.
Magbabawas naman ng 15 centavos sa halaga ng kada litro ng kanilang kerosene ang Petron, SeaOil, Flying V, at Shell.
Ito na ang ika-limang sunud-sunod na linggo ng pagpapatupad ng rollback ng mga kumpanya ng langis.
MOST READ
LATEST STORIES