“Occupy Bulacan” ng Kadamay, ‘initial victory’ ng grupo ayon sa isang mambabatas

By Isa Avendaño-Umali March 28, 2017 - 05:34 AM

Kuha ni Jomar Piquero
Kuha ni Jomar Piquero

Para kay Bayanmuna PL Rep. Carlos Isagani Zarate, maituturing na ‘initial victory’ para sa Kadamay ang resulta ng dayalogo sa pagitan ng National Housing Authority o NHA kasama si General Manager Marcelino Escalada at Makabayan Bloc.

Kabilang sa mga napagkasunduan ay ang ‘no eviction’ sa 5,918 na Kadamay occupants sa Bulacan at ang profiling process na sisimulan ng NHA para maging benepisyaryo ng housing units ang mga occupant.

Ayon kay Zarate, umpisa pa lamang ang dayalogong ito at umaasa silang magkakaroon na ng mekanismo para tuluyang maresolba ang problema sa pabahay sa buong bansa.

Pinuri naman ni Zarate ang mga miyembro ng Kadamay na umano’y nagpakita ng tapang para gisingin ang pamahalaan sa kung gaano kabigat ang problema sa pabahay.

Gayunman, hinimok ng mambabatas ang Kadamay na manatiling vigilante at kailangan na ring magkaroon ng overhaul sa social housing policy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.