SPES, pwede rin sa mga out of school youth

By Jan Escosio March 28, 2017 - 05:33 AM

Job fairIpinaalala ni Sen. Sonny Angara na ang inaalok na Special Program for the Employment of Students o SPES ay hindi lamang para sa mga magaaral kundi maging sa mga istambay na kabataan o out of school youth.

Ayon kay Angara, siya ang kumilos para maamyendahan ang bagong SPES law noong nakaraang Agosto para mapalawak ang sinasakop ng batas at mabigyan din ng oportunidad ang mga out of school youth na kumita at makabalik sa eskuwela.

Dagdag ng senador, na vice chairman ng Senate labor committee, na itinaas din sa RA 10817 ang sakop na edad ng programa mula sa dating hanggang 25-anyos, ay ginawa na itong hanggang 30-anyos.

Pinalawig din ang SPES employment period mula 52 araw hanggang 78 araw o tatlong buwan.

Ang 60 percent ng suweldo ng SPES beneficiaries ay sasagutin ng kumpanyang papasukan, habang ang 40 percent ay magmumula naman sa gobyerno.

Kabilang sa maaring maging trabaho sa ilalim ng programa ay food service crews, office clerks, gasoline attendants, cashiers, sales ladies, promodizers, maging sa clerical, encoding, messenger, computer at programming jobs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.