Si Crisencia Gragasin na dating chairwoman ng Barangay Quezon ay pinagtataga ng kaniyang anak na si Nelson sa ulo, mga braso at katawan.
Nagawa pang sumigaw ni Crisencia upang humingi ng saklolo, ngunit nasawi din ito dahil sa mga natamong sugat.
Base sa inisyal na imbestigasyon, si Nelson na sinasabing gumagamit ng iligal na droga, ay humihingi ng pera sa kaniyang ina, ngunit nang hindi siya binigyan ay pinagtataga na niya ito.
Tumakas ang suspek matapos sumugod ang kaniyang kapatid para saklolohan ang kanilang ina, ngunit namatay na rin ang biktima.
MOST READ
LATEST STORIES