Ina, pinatay sa taga ng sariling anak sa Isabela

By Kabie Aenlle March 28, 2017 - 05:21 AM

crime-scene-300x200Patay ang isang 58-anyos na dating barangay chairwoman matapos siyang pagtatagain ng kaniyang anak sa San Isidro, Isabela.

Si Crisencia Gragasin na dating chairwoman ng Barangay Quezon ay pinagtataga ng kaniyang anak na si Nelson sa ulo, mga braso at katawan.

Nagawa pang sumigaw ni Crisencia upang humingi ng saklolo, ngunit nasawi din ito dahil sa mga natamong sugat.

Base sa inisyal na imbestigasyon, si Nelson na sinasabing gumagamit ng iligal na droga, ay humihingi ng pera sa kaniyang ina, ngunit nang hindi siya binigyan ay pinagtataga na niya ito.

Tumakas ang suspek matapos sumugod ang kaniyang kapatid para saklolohan ang kanilang ina, ngunit namatay na rin ang biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.