Pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Duterte, naantala na naman
Matapos abutin ng Christmas break, naudlot muli ang pagpasa sa Senado ng mga panukalang magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil nasa Holy Week ta break naman ang sesyon.
Ngunit umaasa si Sen. Grace Poe, ang pangunahing may akda ng Senate Bill 1284 o ang Traffic and Congestion Crisis Act, na sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo 2 ay matatalakay na nang husto ang panukala.
Bago ang suspensyon ng sesyon sa Senado para sa Semana Santa, nakapagbigay na ng kaniyang sponsorship speech si Poe sa plenaryo, ngunit naantala ang pagkakapasa nito dahil sa maraming senador ang nais mag-interpellate.
Aniya kung hindi pa ito maipapasa, ay mababalewala na ang panukala.
Pinuna din nito ang mababang kapulungan na hindi pa natatalakay sa plenaryo ang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.