Pabahay sa Bulacan posibleng isuko ng NHA sa KADAMAY

Kadamay PandiPosibleng ibigay na lang ng National Housing Authority (NHA) sa mga miyembro ng KADAMAY ang mga pabahay sa inokupahan nila sa Pandi, Bulacan.

Una nang tiniyak ng NHA  sa KADAMAY sa dayalogo nito kanina na walang magaganap na forced eviction sa mga miyembro ng militanteng grupo na halos isang buwan nang nakatira sa pitong pabahay ng gobyerno sa lalawigan.

Sinabi ni NHA General Manager Marcelino Escalada na magsasagawa sila ng inventory ng mga housing units at aalamin mula sa kanilang database kung interesado pa ba ang mga benepisyaryo nito sa mga pabahay.

Sakali naman aniya na hindi na interesado ang mga nakalistang benepisyaryo ay saka pa lamang nila ito tuluyang ibibigay sa mga myembro ng KADAMAY.

Natuwa naman ang mga miyembro ng KADAMAY sa kinalabasan ng dayalogo, pero paglilinaw ng NHA, hindi ito nangangahulugan ng pagkunsinte sa ginawa ng militanteng grupo.

Ipinag utos naman ng NHA sa mga tauhan nito ang mahigpit na pagbabantay sa iba pa nitong pabahay sa harap ng patuloy na bantang pag-okupa ng KADAMAY sa iba pang naka-tiwangwang na housing units.

Read more...