Gobyerno binalaan ng Magdalo na huwag magpabola sa CPP-NPA
Drama lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdadalawang-isip nito tapatan ang idedeklarang unilateral ceasefire ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, palabas lamang ito ni Duterte dahil alam naman ng lahat na kilalang malapit sa kanya ang mga makakaliwa.
Bagaman naniniwala na kailangang magkaroon ng ceasefire, iginiit ni Alejano na dapat bilateral ceasefire agreement ang buuin ng magkabilang-panig.
Ito’y para mayroong basehan ang mga gagawin at paglabag ng pamahalaan at rebeldeng komunista.
Paliwanag ng kongresistang na dating sundalo, nagkakaroon kasi ng sariling interpretasyon sa unilateral ceasefire kaya kadalasang nasasamantala lamang ito ng mga miyembro CPP-NPA-NDF.
Nagpaalala rin si Alejano na huwag lubusang magtiwala at maging maingat sa pakikipag-usap sa rebeldeng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.