House bill para sa paglalagay ng mga OICs sa mga Brgy. inihain na
Kinakatigan ni House Committee on Dangerous Drugs at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang Barangay elections para malutas ang problema sa droga.
Dahil dito, inihain ni Barbers ang House Bill 5359 kung saan nakasaad na sa halip na sa Oktubre, 2017 ay gagawin na lamang ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa May 2020.
Paliwanag ni Barbers, ang pagkakasangkot ng mga opisyal ng Barangay ang siya ring rason kung bakit ipinagpaliban ang halalan noong nakalipas na taon.
Pero sa ngayon aniya ay hindi pa maituturing na drug-free ang mga komunidad kaya kailangang ipagpatuloy ang paglilinis sa grassroots level.
Sa ilalim pa ng panukala ni Barbers, bago ang eleksyon sa May 2020 ay tatapusin na ang termino ng incumbent officials para bigyan-daan ang officers-in-charge na itatalaga ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.