Trillanes hadlang sa pagbabati nina Duterte at Robredo ayon kay Panelo
Nang iinttriga lamang si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay sa naging babala nito na mag-ingat si Vice President Leni Robredo dahil patibong lang umano ang imbitasyon ni pangulong Rodrigo duterte na mag-dinner sila Malacañang.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, gumagawa lamang ng istorya si Trillanes para hindi magkabati sina Robredo at Duterte.
Paliwanag pa ni Panelo, may paggalang sa babae at mga matatanda ang pangulo.
Sinabi pa ng kalihim na magandang oportunidad ang imbitasyon para magkakakilala ng husto sina Pangulong Duterte at VP Robredo.
Matatatandaang una nang ipinag-utos ni Duterte kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco na huwag nang padaluhin si Robredo sa cabinet meeting bilang housing czar dahil sa patuloy na pagbatikos sa administrasyon.
“Hindi naman kataka-taka ‘yun, yung imbitasyon, eh si Trillanes ginagawan na naman niya istorya, nag-iintriga na naman”, dagdag pa ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.