Duterte sa Davao City magdiriwang ng kanyang kaarawan

March 27, 2017 - 03:33 PM

duterte
inquirer file photo

Tahimik lamang na ipagdiriwang ni pangulong Rodrigo duterte ang kanyang 72nd birthday bukas sa Davao City.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naging tradisyon na ng pangulo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan ng walang anumang ingay at walang magarbong handaan.

Ayon kay Abella, pamilya at mga malalapit lamang na kaibigan ang makakasama ni Pangulong Duterte sa kanyang kaaraawan.

Birthday wish naman ng tagapag-salita sa pangulo, matupad ang pangarap ng punong ehekutibo para sa ninanais nito para sa mga Pinoy.

Sa panig naman ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, magkaroon ng mas mahaba- habang panahon para sa kanyang sarili at makamit ang maliliit at simpleng mga bagay na makapag-papaligaya sa kanya.

Kaugnay ng kaarawan bukas ng chief executive, wala namang inaasahang anumang magiging aktibidad ang pangulo para sa kanyang kaarawan.

TAGS: 72, Birthday, Davao, duterte, 72, Birthday, Davao, duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.