Libu-libong residente, pinalilikas na dahil sa banta ng Cyclone Debbie sa Australia

By Mariel Cruz March 27, 2017 - 01:39 PM

Cyclone Debbie
AccuWeather photo

Pinalilikas ang libo-libong residente na nakatira sa mababang lugar sa Australia dahil sa inaahasang pagtama ng malakas na bagyo.

Ayon sa Australian Bureau of Meteorology, tinatayang magiging malakas at aabot sa category 4 ang Cyclone Debbie na magtataglay ang pinakamalakas na hangin na aabot sa 300 kilometers per hour (185 miles per hour) bago ito tuluyang mag-landfall sa Queensland state, bukas araw ng Martes.

Nagbabala si State Premier Annastacia Palaszczuk na posibleng ito na ang pinaka malakas na bagyo na tatama sa bansa simula nang naminsala ang Cyclone Yasi noong 2011.

Dahil dito, ayon kay Spokeswoman Fiona Cunningham, isinara na muna ang Abbot Point coal terminal at ports sa Mackay and Hay Point.

Nagpatupad na ng forced evacuation sa ilang low-lying areas malapit sa Townsville habang inirekomenda naman ng mga otoridad na lumikas na din ang libo-libong residente sa silangang bahagi ng bansa.

Nakastandby na rin ang mga sundalo para makapagbigay ng tulong kapag nakadaan na ang bagyo.

Ang mga energy at fuel company naman ay nag-iipon na ng kanilang mga suplay.

Malalakas na ahon naman ang umiiral na sa tourist resort na Whitsunday Islands sa Queensland.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.