Suspek sa pagpapasabog ng granada sa Jolo, Sulu namatay na

By Mariel Cruz March 27, 2017 - 01:34 PM

jolo suluNamatay na ang suspek sa pagpapasabog ng granada na ikinasawi ng apat katao sa Jolo, Sulu gabi ng Sabado.

Nagtamo ng mga sugat ang suspek na si Sedimar Addah, 22 years old, matapos kuyugin bunsod ng pagnanakaw sa isang bakery sa Brgy. Bus-Bus.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, namatay si Addah dahil sa mutiple hematoma.

Naaresto si Addah ng mga pulis matapos bugbugin ng mga sibilyan nang mahuli na nagnanakaw ng cellphone sa isang bakery Sitio Lambayong, Barangay Bus-Bus.

Nakatakas pa ang suspek sa pambubugbog pero nang bumalik na ito ay may dala nang granada na inihagis at sumabog sa harapan ng naturang bakery.

Dahil dito, nasawi ang apat na sibilyan at sugatan naman ang hindi bababa sa labing siyam na iba pa dahil sa pagsabog.

Ayon pa kay Sindac, namatay ang suspek sa Sulu Sanitarium Hospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.