PNP at MTRCB, pumirma ng kasunduan para sa tamang pagsusuot ng police uniform

By Ruel Perez March 27, 2017 - 09:27 AM

MOU PNP MTRCB
Kuha ni Ruel Perez

Pinirmahan ng Philippine National Police (PNP) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang isang memorandum of agreement (MOU) na may kinalaman sa tamang pagsusuot ng police uniform sa mga TV programs at pelikula.

Pinangunahan ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas, PNP chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at MTRCB Board Member Mocha Uson ang pagpirma sa nabanggit na MOU.

Samantala, guest speaker naman sa flag-raising sa Camp Crame si Department of Tourism Sec. Wanda Teo.

Kaalinsabay ng paggunita ng International Womens Month, iginiit ni Teo ang mga naging accomplishments ng kababaihan lalo na sa police service.

Partikular na binabanggit ang pangunguna ng kababaihan sa Philippine Military Academy kung saan ang nagsilbing valedictorian sa PMA Salacnib Class 2017 ay babae.

Giit ni Teo, ang mga accomplishments na ito ang nagpapatingkad sa malinaw na tagumpay ng kababaihan at hindi matatawaran na mahalagang kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.