Pagasa, pinaghahanda na ang publiko sa pagsisimula ng Summer season

By Mariel Cruz March 27, 2017 - 08:08 AM

summer heat waveMas makararamdam ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Lunes ayon sa Pagasa.

Bunsod ito ng easterlies o ang mainit at maalinsangang hangin mula sa Pacific Ocean.

Pero sinabi ng Pagasa na hindi pa opisyal na panahon ng tag-init dahil umiiral pa ang Northeast Monsoon o Hanging Amihan sa Hilangang bahagi ng Luzon.

Kamakailan ay inihayag ng weather bureau na posibleng magsimula na ang dry season o tag-init ngayong linggong ito.

Kung kaya, pinaghahanda na ng Pagasa ang publiko sa pagsisimula ng Summer season.

Sa pagtataya ng weather bureau, aabot sa 35.9 degrees ang heat index sa Metro Manila.

Ang heat index ay ang temperatura na nararamdaman ng katawan ng isang tao batay sa air temperature at humidity.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.