Positibong pagtanggap ng mga taga-Metro Manila sa drug war, ikinatuwa ng Palasyo

By Kabie Aenlle March 27, 2017 - 05:18 AM

abellaIkinatuwa ng Malacañang ang naging resulta ng Pulse Asia survey kung saan lumalabas na karamihan sa mga residente ang nakakaramdam na mas ligtas na ang Metro Manila dahil sa drug war ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nalulugod sila na 8 sa 10 residente ng Metro Manila ang naniniwalang mas ligtas na ngayon ang mga kalsada dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ibinida kamakailan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na 82 percent ng mga residente ang naniniwalang mas ligtas na ang kanilang paligid ngayon, base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong December 2016.

Ani Abella, nangangahulugan lang ito na “well-received” sa mga tao ang kampanya laban sa iligal na droga, taliwas sa ipinapakita ng mga kritiko ng administrasyon.

Dahil aniya dito, mas palalakasin pa ng pamahalaan ang kampanya laban sa iligal na droga.

Umaasa din si Abella na mas susuportahan ng ibang mga komunidad ang drug war ng pamahalaan dahil sa nasabing survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.