Ginang, patay sa pananaksak ng mister sa Iloilo

By Kabie Aenlle March 27, 2017 - 05:15 AM

Crime scene2Patay ang isang ginang matapos siyang pagsa-saksakin ng kaniyang mister sa kanilang tahanan sa bayan ng Barotac Nuevo sa Iloilo.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, umuwi ang mister ng biktimang si Legaya Valdez na si Carlos Valdez, nang lasing na lasing sa kanilang tahanan.

Nagalit umano si Legaya sa pag-uwi nang lasing ni Carlos, kaya sinuntok umano nito ang mister at saka pinagmumura.

Dito umano nagdilim ang paningin ni Carlos na kumuha ng kutsilyo at anim na beses na inundayan ng saksak ang sariling misis dahil sa galit.

Isinugod sa ospital si Legaya ngunit idineklara din itong patay.

Sa ngayon ay hawak na ng pulisya si Carlos at sinampahan na rin siya ng kasong parricide.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.