1 patay, 15 sugatan sa pamamaril sa Ohio nightclub

By Isa Avendaño-Umali March 26, 2017 - 07:33 PM

 

ShootingPatay ang isang indibidwal, habang hindi bababa sa labing lima ang sugatan sa pamamaril sa isang nightclub sa Cincinnati, Ohio, madaling araw ng Linggo.

Batay sa ulat, maraming tao sa Cameo nightclub nang maganap ang pamamaril.

Dahil dito, nag-panic ang mga tao at tumakas upang maisalba ang buhay.

Wala pang umaako sa krimen, subalit kinukunsidera ang aftermath bilang “large and complicated homicide scene.”

Kinunan na rin ng statements ang mga saksi sa pamamaril, upang makakalap ng karagdagang impormasyon.

TAGS: Ohio nightclub shooting, Ohio nightclub shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.