‘Dinner invitation’ ni Duterte kay Robredo, isang patibong – Trillanes
Duda si Senador Antonio Trillanes IV sa ‘dinner invitation’ ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo at mga anak nito.
Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na ang imbitasyon ni Duterte ay posibleng isang ‘trap’ o patibong para madisarmahan at ‘politically neutralize’ si Robredo.
Ayon pa kay Trillanes, na kilalang kritiko ni Duterte, ginawa ng presidente ang hakbang sa gitna ng kinakaharap nitong impeachment complaint na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano.
Aniya, ito raw ang isang taktika na ginamit na noon ni Duterte laban kay Robredo.
Inihalimbawa ni Trillanes ang pagtatalaga ni Duterte kay Robredo bilang Housing chairperson at kinalauna’y ginawang katatawanan gaya ng kanyang misogynistic remarks ukol sa binti at tuhog ng bise presidente noong anibersaryo ng pananalasa ng Supertyphoon Yolanda.
Kaya banat ni Trillanes, ‘only the naive would be fooled.’
Noong Sabado (March 25), kinumpirma ni Duterte na magho-host siya at kanyang pamilya ng isang dinner para kay Robredo at tatlong anak na babae nito.
Hindi lamang si Duterte ang nahaharap sa impeachment complaint, dahil may ilang personalidad na rin ang nakaambang maghain ng reklamo laban kay Robredo.
Gayunman, pinatitigil ni Duterte ang anumang bantang impeachment laban sa bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.