Duterte, naniniwalang hindi sangkot si VP Robredo sa destabilization plot laban sa gobyerno
Nakausap na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice Pres. Leni Robredo ukol sa banta ng kanyang mga kaalyado ng pagpapa-impeach sa bise presidente, at maging ang alegasyon ng destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon.
Sa isang panayam sa Bukidnon, sinabi ni Duterte na naniniwala siyang hindi sangkot si Robredo sa umano’y destabilization plot laban sa gobyerno.
Giit aniya sa kanya ni Robredo na wala siyang kinalaman sa naturang destabilization plot.
Sa katunayan, noong nakakarating lang ng pangulo mula sa kanyang official visit sa Myanmar at Thailand ay dinepensahan niya si Robredo at ipinatitigil na ang pagpapa-impeach sa pangalawang pangulo.
Sinabi ni Duterte na dapat hayaan nalang ang mga elected official na gawin ang kanilang trabaho.
Matatandaang ilang beses nang iginiit ni Robredo na wala siyang kinalaman sa planong impeachment laban sa pangulo sa kabila ng akusasyon ng mga kaalyado ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.