Drug runner, patay sa pananambang sa Caloocan City

By Ricky Brozas March 26, 2017 - 02:19 PM

police-line-0815Patay matapos barilin ng riding-in-tandem ang diumanoy runner ng droga sa Brgy Nueve, Caloocan City.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Marvin Tambalo, Trenta anyos.

Ayon sa kapitan ng Brgy. na si Leandro Binuya, nangyari ang insidente pasado alas dos ng madaling araw.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang mga suspek lulan ng motorsiklo na pawang naka-helmet at pinaputukan ng anim na beses ang biktima saka tumakas.

Naisugod pa sa pagamutan si Tambalo subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Kilala umanong runner ng droga ang biktima ayon sa kapitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.