Ayon kay Department of Health o DOH Assistant Secretary Eric Tayag, patuloy pa rin ang pag-monitor sa lebel ng mercury sa paaralan, pero sa ngayon aniya ay bumababa na ito.
Kinumpirma ni Tayag na ilalabas ng DOH ang resulta ng kanilang ginawang test makalipas ang dalawang linggo.
Aabot sa 280 Grade 8 at 276 Grade 9 students, na maaaring na-expose sa mercury leak, ang isinailalim sa 2-day testing.
Noong March 11, partikular na nagkaroon ng mercury spill sa hallway, sa harap ng Science Laboratory stockroom sa ikalawang palapag ng main building ng Manila Science High School.
Gayunman, hindi kaagad nai-report ang insidente sa mga otoridad, dahil sinabi umano ng isang guro na kaya namang linisin ang leak dahil maliit lamang ito.
Ang mercury sa Manila Science High School ay donated ng Japan, dalawampung taon na ang nakalilipas.