Muslim group, nanawagan kay Pangulong Duterte na magdeklara ng Martial Law sa Mindanao
Nais ng isang grupo ng mga Muslim na magdeklara na lamang ng Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao Region.
Katwiran ng Chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace na si Datu Bashir Alonto, ito ay para tuluyan nang mapuksa ang mga naghahasik ng gulo sa Mindanao.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Alonto na pagod na pagod na silang mga muslim sa sitwasyon nila dahil sa presensiya ng mga ektremistang grupo, mga bandido at paglaganap ng droga.
Dahil umano sa kanilang sitwasyon ay hirap na rin silang mga muslim na maghanap-buhay lalo’t sila ang palagiang pinagbibintangan na may kinalaman sa mga kriminalidad.
Nanawagan din si Alonto kay pangulong Duterte na sa lalong madaling panahon ay magdeklara ng batas- militar sa Mindanao para mapuksa na ang mga nagsasamantala sa kanilang sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.