Ayon kay Duterte, ang naturang government employees ay sangkot umano sa katiwalian.
Karamihan aniya sa mga empleyado ay galing sa Bureau of Customs o BOC, Bureau of Internal Revenue o BIR at Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
Isa rin aniya sa kanyang tinanggal sa posisyon dahil sa kurapsyon ay kasama niya mula pa noong 1988.
Batay pa sa pangulo, sinabihan niya ang siyamnapu’t dalawang tauhan ng pamahalaan na tahimik na lisanin ang kani-kanilang posisyon dahil ayaw umano niyang ipahiya ang mga ito.
Nauna nang kinumpirma ni Duterte na kanyang sinibak ang malapit na kaibigan na si dating National Irrigation Administration chief Peter Laviña bunsod ng isyu ng pangingikil o extortion.