Inaasahang magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Batay sa oil industry, inaasahang magkakaroon ng rollback na 30 centavos kada litro ang presyo ng Diesel.
Tataas naman ang presyo ng gasolina sa 15 centavos kada litro.
Magkakaroon din ng paggalaw sa presyo ng kerosene kung saan bababa ito sa 20 centavos kada litro.
Ito na ang ikaapat na beses na nagpatupad ng oil price adjustment ngayong buwan.
Ang naturang oil price adjustments ay bunsod pa rin ng paggalaw ng halaga langis sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES