11 katao isang oras na na-trap sa itaas ng nasusunog na restaurant sa Binondo, Maynila

Aug 20 sunog ruel
Kuha ni Ruel Perez

Tinupok ng apoy ang Golden Fortune Seafood Restaurant sa Soler at Gandara Streets sa Binondo, Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 4:30 ng umaga at alas 4:57 ng umaga ng itaas sa ika-apat na alarma ang sunog.

Nadamay pa sa nasabing sunog ang Peace Hotel na nasa itaas ng restaurant.

Dahil sa kapal ng usok, na-trap ang labingisang indibidiwal na occupants ng nasabing hotel. Alas 5:30 na ng umaga nang maibaba ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ang na-trap na mga tao kabilang ang isang 3 taong gulang na bata.

Ligtas namang naibaba ng gusali ang lahat ng occupants ng nasabing hotel.

Ayon sa fire bureau, alas 6:16 ng umaga nang maideklarang fire out na ang sunog./ Ruel Perez

Read more...