4 patay sa pagsabog ng granada sa Jolo, Sulu

By Josephine Codilla, Mariel Cruz March 26, 2017 - 10:01 AM

jolo suluPatay ang apat na indibduwal sa naganap na pagsabog ng granada sa Barangay Bus-Bus sa Jolo, Sulu gabi ng Sabado.

Nakilala ang suspek na naghagis ng granada si Sedimar Addah, 22 years old, residente ng Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nahuli si Addah na nagnanakaw ng cellphone sa isang bakery sa Brgy. Bus-Bus.

Nang mahuli ang suspek, binugbog ito pero nagawa pa rin na makatakas sa lugar.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Addah sa lugar dala ang isang granada na inihagis sa harapan ng Karina bakery sa Brgy Bus-Bus.

Nagresulta ang pagsabog ng granada ng apat katao na nasawi habang hindi nabatid kung ilan ang nasugatan.

Agad na isinugod sa Integrated Provincial Health Office sa Jolo, Sulu ang mga sugatang biktima para malapatan ng kaukulang lunas.

Nahuli naman ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.