Isinagawa ang main event ng Earth Hour Philippines ay ginanap sa SM by the Bay, Mall of Asia Complex sa Pasay City mula 8:30 pm hanggang 9:30 pm kagabi.
Ayon kay World Wildlife Fund (WWF) Philippines President Joel Palma, na natutuwa sila na ngayong taon ay kabahagi nila ang mga kabataan.
Dagdag ni Palma importante na maging kabahagi ang mga kabataan dahil aniya mahigit sa 50% ng Pilipinas ay kinukusiderang kabataan.
Kaugnay nito, bago ang papatay ng mga ilaw ay nagkaroon muna ng Earth Hour Camp kung saan tampok dito ang interactive climate adaptation at mitigation booths kung saan kabilang dito ang native tree planting, renewable energy technologies at disaster go-bag preparation.
Hinikayat din ang publiko na makiisa sa ibat-ibang mga climate actions tulad ng sa paglipat sa renewable energy, pagtaguyod sa sustainable food at agriculture, pagkakarooon ng mga climate-friendly lna mga batas, pagsuporta sa mga conservation projects at pagbibigay kaalaman patungkol sa mga isyu na may kaugnayan sa klima.