Malakanyang, kinumpirma ang dinner invitation ni Duterte kay Robredo at sa mga anak nito
Kinumpirma ng Malakanyang na inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang dinner si Vice President Leni Robredo ng magkita sila sa Philippine National Police Academy (PNPA) graduation ceremony.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella kasama sa imbitasyon ang mga anak ni Robredo.
Hindi na idinitalye ni Abella ang naturang imbitasyon.
Ang nasabing imbitasyon ay nagsimula ng hindi sang-ayunan ng pangulo ang planong impeachment laban kay Robredo dahil sa naging kritisismo nito sa kampanya laban sa ilegal na droga ng administrasyon.
Matatandaang una ng sinabi ni Duterte na nagmamadali si Robredo na mapalitan siya, na itinanggi namn ni Robredo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.