Postponement ng barangay elections, pag-uusapan ng Senate majority

By Rod Lagusad March 26, 2017 - 01:59 AM

senate-hallNagpatawag ng emergency meeting si Senate President Aquilino Pimentel III para pag-usapan ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapaliban ng 2017 barangay elections.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III na magaganap ang naturang meeting ngayong araw ng Linggo, March 26.

Dagdag pa ni Sotto na ang nasabing pulong ay para sa mga miyembro ng Senate majority bloc na sumama sa pagpunta ni Duterte sa Myanmar at Thailand.

Aniya kinausap siya ni Duterte tungkol sa ibat ibang bagay partikular sa mga kinalaman sa legislation at national interest issues tulad ng federalismo, problema sa ilegal na droga at ang mga economic gains ng kanyang administrasyon.

Kaugnay naman sa barangay election ay sinabi sa kanyang Pangulo na dapat pag-aralan ng Senado kung ano dapat gawin dito.

Ayon kay Sotto, merong pananaw ang pangulo pero hindi nito aniya ipinipilit sa kanila bagkus sinabi ito pag-aralan ang ibat ibang ideya.

Bukod sa pagpapaliban ng barangay elections ay ipinihayag din ni Duterte ang ideyang pagtatalaga na lang ng mga barangay officials kaugnay ng kampanya laban sa narcopolitics.

TAGS: Aquilino Pimentel III, Barangay elections, Rodrigo Duterte, Vicente Sotto III, Aquilino Pimentel III, Barangay elections, Rodrigo Duterte, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.