De Lima, nagbabala ukol sa balak ni Duterte na magtalaga ng barangay officials

By Rohanisa Abbas March 26, 2017 - 01:57 AM

de limaNagbabala si Senador Leila de Lima na maaaring mauwi sa ‘patronage politics’ ang balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga na lamang ng mga opisyal ng barangay sa Oktubre.

Sinabi ni De Lima na isa sa mga dahilan kung bakit hiwalay ang halalan sa barangay sa national elections ay para maprotektahan ang mga ito sa pamumulitika ng mga partido.

Giit pa ng senador, ang mga barangay ang nasa harap ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan, kaya dapat lamang na ang komunidad ang dapat na mamili kung sino ang ihahalal.

Ani De Lima, posible ring magkaroon ng ‘stigma’ na sangkot sa iligal na droga ang mga opisyal na matatanggal at hindi maitatalaga muli.

Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyanng balak na ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa mga barangay at magtalaga na lamang ng mga opisyal.

Ayon kay Duterte, ito ay para maiwasang maihalal ang barangay officials na suportado ng drug lords.

TAGS: Barangay elections, leila de lima, patronage politics, Rodrigo Duterte, Barangay elections, leila de lima, patronage politics, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.