Pagpapahaba ng paternity leave, inihain sa Kongreso

By Rod Lagusad March 26, 2017 - 01:44 AM

alfred vargasInihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Bill 5353 na layong madagdagan ng walo pang araw ang paternity leave para mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga tatay na maalagaan ang kanyang asawa ant bagong silang na anak.

Ang naturang House Bill ay layong amyendahan ang R.A. 8187 at mabigyan ng paternity leave ang lahat ng lalaking empleyado na kasal anuman ang kanilang trabaho na mapahaba mula sa pitong araw hanggang 15 araw ito.

Ayon kay Vargas, ipinasa ng Kongreso ang Paternity Leave Act bilang pagkilala sa responsibilidad ng mga tatay sa pangangalaga sa kanyang asawa bago, habang nagbubuntis at sa pagpanganak ng kanilang anak ngunit aniya hindi ito sapat sa mga pangangailangan ng Pamilyang Pilipino.

Dagdag pa ni Vargas na ang pag-amiyenda sa Paternity Leave Act ay magsisigurong matatamasa ng mga bawat pamilyang Pilipino ang lahat ng benipisyo nito.

Aniya ang maagang interaksyon ng tatay sa kanyang anak ay nagbibigay ng mga long-term benefits sa pagkatuto ng mga bata.

Kaugnay nito, ang naturang panukala ay nagbibigay ng opsyon sa mga empleyado na ma-extend ang kanilang paternity leave ng higit sa 15 araw ng walang bayad.

Kasama din dito sa panukala ang probisiyon na hindi dapat ibawas sa taunang leave credits ng isang empleyado ang nasabing leave.

TAGS: alfred vargas, Kongreso, pamilya, paternity leave, alfred vargas, Kongreso, pamilya, paternity leave

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.