Ipinahayag ito ni Duterte sa ground breaking ng drug rehabilitation center sa Malaybalay, Bukidnon.
Aniya, kailangan niya pulungin ang militar at pulisya ukol sa usapin na ito kung makakabuti ang unilateral ceasefire sa pagkakataong ito.
Inalala ni Duterte ang pagbawi ng mga komunistang rebelde sa tigil-putukan noong Pebrero na kanyang ikinagalit.
Matatandaang binawi ng Pangulo ang unilateral ceasefire noong February 4 dahil sa aniya’y mga paglabag ng mga rebelde rito.
Noong February 1, binawi rin ng New People’s Army ang unilateral ceasefire na sinundan ng ilang pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.
Inanunsyo naman ng CPP na magdedeklara muli ito ng tigil-putukan bago matapos ang buwan bilang suporta sa pagpapatuloy ng peace talks ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF) sa Abril.