Unilateral ceasefire para sa CPP-NPA pag-aaralan pa ng pangulo

By Rohanisa Abbas March 25, 2017 - 08:52 PM

Duterte fistKokunsulta muna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Security Council kung tatapatan nila ang plano ng Communist Party of the Philippines (CPP) na magdeklara ng unilateral ceasefire bago matapos ang buwang kasaluluyan.

Ipinahayag ito ni Duterte sa ground breaking ng drug rehabilitation center sa Malaybalay, Bukidnon.

Aniya, kailangan niya pulungin ang militar at pulisya ukol sa usapin na ito kung makakabuti ang unilateral ceasefire sa pagkakataong ito.

Inalala ni Duterte ang pagbawi ng mga komunistang rebelde sa tigil-putukan noong Pebrero na kanyang ikinagalit.

Matatandaang binawi ng Pangulo ang unilateral ceasefire noong February 4 dahil sa aniya’y mga paglabag ng mga rebelde rito.

Noong February 1, binawi rin ng New People’s Army ang unilateral ceasefire na sinundan ng ilang pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Inanunsyo naman ng CPP na magdedeklara muli ito ng tigil-putukan bago matapos ang buwan bilang suporta sa pagpapatuloy ng peace talks ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF) sa Abril.

TAGS: CPP, duterte, NDF, NPA, CPP, duterte, NDF, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.