Halos 100 empleyado ng gobyerno sinibak ni Duterte dahil sa katiwalian
Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 92 empleyado ng gobyerno ngayong buwan.
Ayon sa Pangulo, bahagi ito ng kanyang paglilinis sa kanyang administrasyon mula sa katiwalian.
Aniya, marami siyang sinibak na opisyal partikular na sa Bureau of Customs.
Kabilang din sa mga sinibak ni Duterte ay mula sa Bureau of Internal Revenue at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Hindi naman nagbanggit ng pangalan si Duterte, ngunit sinabi niya na kasama rito ang ang isang lalaking naging bahagi na ng kanyang team simula pa noong 1988.
Kamakailan ay sinibak ni Duterte bilang pinuno ng National Irrigation Administration ang kanyang matagal ng kaibigan na si Peter Laviña.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.