Nakatanggap ng 82% na approval ratings ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa gyera na inilunsad nila kontra iligal na droga.
Ipinahayag ng NCRPO na batay sa survey na ginawa ng Pulse Asia mula December 9 hanggang 11, 2016 ay mahigit walo sa bawat sampungng residente ng Metro Manila ang naniniwalang mas ligtas sa kani-kanilang mga lugar kumpara noong 2015.
Nagpasalamat naman si NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa publiko sa suporta sa kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga at hinikayat na patuloy itong suportahan.
Nangako rin ang NCRPO na patuloy na pagbubutihin ang trabaho nitong protektahan ang seguridad ng publiko.
MOST READ
LATEST STORIES