JBC tatanggap na ng nominasyon para C.A at Sandiganbayan
Binuksan na ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon para sa mga bakanteng posisyon sa Court of Appeals, Sandiganbayan at Ombudsman.
Ayon sa JBC, kailangan ngayon ng isang justice sa CA na binakante ni Justice Noel Tijam.
Si Tijam ay itinalaga kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong justice ng Supreme Court.
Kailangan din ngayon ng isang justice sa Sandiganbayan kapalit naman ni Justice Samuel Martires na itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong justice ng SC.
Kailangan din ngayon ng Special Prosecutor sa Office of the Ombudsman kapalit ni Special Prosecutor Wendell E. Barreras-Sulit na nataps ang termino noong March 11, 2017.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.