Kapitan ng barkong hinaydyak ng ASG sa Basilan nailigtas ng AFP

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerNasa pangangalaga na ng militar ang isa sa dalawang tauhan ng cargo ship na hinarang ng Abu Sayyaf Group noong Huwebes sa Sibago Island sa Basilan.

Ayon kay Colonel Juvymax Uy, komander ng Joint Task Force Basilan, na-rescue ng mga sundalo si Aurelio Agacac sa Barangay Basakan sa bayan ng Haji Mohammad AJul sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Uy na napilitan ang bandidong grupo na iwan ang bihag dahil sa patuloy na pagtugis sa kanila ng mga sundalo.

Aniya, nasa maayos na kalagayan naman si Agacac.

Noong Huwebes, hinayjack ng ASG si Capt. Agcaca at Chief Engineer Laurencio Tiro mula sa MV Super Shuttle Roro 9 sa karagatan ng Sibago Island.

Read more...