Bellagio Hotel sa Las Vegas isinara dahil sa barilan

By Den Macaranas March 25, 2017 - 04:48 PM

Bellagio
Photo: Las Vagas Tourism

Pansamantalang isinara sa publiko ang Bellagio Hotel and Casino sa Las Vegas makaraan ginawang pamamaril ng ilang mga armadong kalalakihan.

Sa paunang report ng Las Vegas Metropolitan Police Department (LMPD), isa umanong ulat kaugnay sa armed robbery ang kanilang natanggap mula sa nasabing gambling house.

Kaagad namang pinalikas ang mga guests sa lugar na sinundan ng stampede dahil sa pag-uunahan nilang makalabas sa Bellagio compound.

Sa ngayon ay nagkalat ang mga pulis sa paligid ng hotel samantalang wala pang ulat sa aktuwal na bilang ng mga sugatan o namatay sa pamamaril kung meron man.

May natanggap rin na report ang LMPD na limang naka-maskarang mga suspek ang pumasok sa loob ng Rolex store at doon umano nagmula ang mga putok ng baril

TAGS: las vegas strip. bellagio, Rolex, shooting, las vegas strip. bellagio, Rolex, shooting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.