8 katao timbog sa illegal drugs operation sa Quezon City

shabu
Inquirer file photo

Arestado ang walo katao kabilang ang anak ng isang dating Chairman ng Barangay sa anti-drug operation sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang nahuli na si Bienvenido Aquino na anak ng dating Barangay Chairman ng Barangay Holy Spirit at supplier din umano ng iligal na droga sa Bulacan, Pampanga at Lucena City sa Quezon Province.

Naaresto din sa operasyon sina Randy Galapon, Mary Jane Legaspino, Dominick Macandog, Henderson Luna, Kyle Romero, Allan Jay Sison at isang alyas “Eagleman.”

Biyernes ng gabi ng lusubin ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang lugar sa bisa na rin ng search warrant.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng shabu, drug paraphernalia, isang granada, baril at katana.

Ang mga nadakip ay dinala na sa QCPD headquarters sa Camp Karingal para sampahan ng kaukulang kaso

Read more...