Mahigit sa isangdaang mga bansa ang inaasahang makiki-isa sa taunang Earth Hour mamaya na magsisimula 8:30pm hanggang 9:30pm .
Taong 2004 nang simulan ang nasabing proyekto na naglalayong bawasan ang smoke emission mula sa mga planta ng kuryente sa bansang Australia.
Noong 2008 ay naging international event ang Earth Hour makaraang lumahok dito ang 96 na mga bansa kabilang na ang Pilipinas.
Sinabi ng mga eksperto na sa pamamagitan ng hindi paggamit ng kuryente kahit na sa loob lamang ng isang oras ay malaki ang maitutulong nito sa pangangalaga sa kalikasan dahil sa pagkabawas sa carbon emission na mula sa mga power plants.
Mamaya ay makikisa sa Earth Hour sa pamamagita ng pagpatay sa kanilang mga ilaw ang ilang kilalang mga landmarks sa mundo.
Kinabibilangan ito ng Pyramids sa Egypt, Colosseum sa Rome, Eiffel Tower sa Paris, Sydney Opera House, Empire State Building, Las Vegas Strip at iba pa.
Ang Earth Hour ay binuo sa konsepto ng World Wide Fund for Nature (WWF).
Dito sa Pilipinas ay nakikiisa sa nasabing event ang ilang mga establishemento sa pamamagitan ng pagpapatay ng kanilang mga ilaw sa loob ng isang oras.