Fitness workout libangan ni De Lima sa loob ng kulungan
Bukod sa regular na paglalabas ng kanyang mga press release gamit ang ballpen at papel, sinabi ni Sen. Leila De Lima na pinagkaka-abalahan rin niya ngayon sa loob ng PNP custodial center ang kanyang sariling fitness program.
Isang buwan mula nang siya’y makulong sa loob ng Camp Crame, sinabi ni De Lima na marami na rin siyang mga aklat at prayer books na nabasa bukod pa sa sangkatutak na mga coloring books na kanyang nakulayan na rin.
Ang kanyang regular na fitness routine ay kinabibilangan ng jogging, brisk walking at Zumba sa paligid ng kanyang selda.
Regular din umano ang kanyang pulong sa kanyang mga staff para manatili siyang updated sa mga kaganapan sa Senado.
Aminado ang mambabatas na may mga pagkakataon na nalulungkot siya pero ang mga liham mula sa kanyang mga tagasuporta ang siyang nagbibigay ng tibay sa pagsusulong niya ng ilang mga isyu kahit na nasa loob ng kulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.